DepEd Statement on Extra Curricular – DEPED NEWS
“Meron tayong ilalabas na department order na nagsasabing dapat co-curricular at academic activities lang ang gagawin this school year. So ang mga extra-curricular activities ay ipinagbabawal po natin,” ang isang pahayag ni Education Secretary Duterte.
Sinabi ni Department of Education (DepEd) Vice President at Secretary Sara Duterte na malapit nang maglabas ang Kagawaran ng Guidelines sa mga aktibidad na pinapayagan sa mga paaralan sa panahon ng school year.
Ayon rin sa Kalihim ng DepEd na ilalagay nila sa naturang Guidelines ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng mga Extra Curricular na ito.
Basahin: DepEd School Calendar 2022 to 2023 based on DO 34 s. 2022
“Nilagay na po namin doon ang listahan paano tayo mag-identify ng extra curricular at kung paano tayo mag-identify ng co-curricular,” dagdag niya.
Mas nais ng kasalukuyan pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagbibigay pansin sa akademiko kaysa extra curricular. Batay sa pahayag ng Kalihim, “Kailangan nakatutok tayo sa academics ng ating mga estudyante to catch up on the learning losses during the two years na hindi sila nakapag-in-person classes dahil meron talagang kaibahan ang pure online na klase at yung merong in person classes para sa ating mga learners”.
“Kailangan nakatutok tayo sa academics ng ating mga estudyante to catch up on the learning losses during the two years na hindi sila nakapag-in-person classes dahil meron talagang kaibahan ang pure online na klase at yung merong in person classes para sa ating mga learners,” paglilinaw ng Kalihim.
Tingnan: DSWD, magsisimula na sa mamigay ng Educational Cash Assistance
Matatandaang na sa kanyang unang utos bilang Education Secretary, inutusan ni Bise Presidente Sara Duterte ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa na lumipat sa limang araw na face-to-face classes simula Nobyembre 2.
Ito ay nakapaloob sa Department of Education (DepEd) Order 34 , s. 2022, na kasama rin ang kalendaryo ng mga kaganapan para sa 2022-2023 school year, na inilathala noong Martes, Hulyo 12.

